LALAKING NAMARIL SA ASAWA NG DATING KALAGUYO, ARESTADO

28
Arestado ang isang lalaki matapos pagtangkaan ang buhay ng isa pang lalaki sa pamamagitan ng pamamaril sa Aritao, Nueva Vizcaya noong Linggo, Agosto 7, 2022.

Kinilala ang suspek na si Alyas Marcelino, 20 taong gulang, may asawa, laborer habang ang biktima naman ay kinilalang si alyas Norman, 53 anyos, may asawa, laborer na parehong residente ng Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Aritao, ang biktima ay naglalakad sa kahabaan ng national highway sa Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya bandang 8:30 noong Linggo ng biglang sumulpot ang suspek lulan ng kanyang motorsiklo at biglang pinaputukan ng baril ang lalaki.

Base sa inisyal na imbestigasyon, tinamaan sa ulo ang biktima ngunit nagawa pa nitong tumakbo pero sinundan parin ng suspek at pinaputukan muli ito ng baril ngunit di tinamaan.

Nakumpiska mula sa pagiingat ng suspek ang isang caliber 38 na revolver na walang serial number na may dalawang live ammunition at isang empty shell ng bala.

Napag-alaman ng mga awtoridad na nagkaroon ng relasyon ang suspek at asawa ng biktima noong 2020.



Si Marcelino ay nahaharap sa kaukulang kaso at kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP.

Facebook Comments