Batay sa datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng apat (4) na kaso ng pagkamatay ngayong taon samantalang walang naitala noong nakalipas na taon.
Mas mataas sa 2,185% ngayon kumpara noong parehong period ng nakaraang taon na mayroon lamang 54 cases.
Lumalabas sa report ng health authorities na pinakamataas pa rin ang kasong tinamaan ng dengue sa Tabuk City (550) Rizal with335, Pinukpuk (138); Tinglayan (93), Pasil (45), Balbalan (34), Tanudan (20) at Lubuagan (19) cases.
Mas mataas naman ang bilang ng mga kalalakihan na tinamaan ng sakit na dengue kumpara sa mga kababaihan.
Kaugnay nito, malaking bilang naman ng mga edad 1-10 ang infected sa sakit na umabot sa 415, sinundan ng edad 11-20 na may 403; edad 21-30 na may 164; mahigit 40-anyos naman ang umabot sa 152 ang tinamaan; edad 31-40 na may 68 at below 1-year old naman ang mayroong 32 cases.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na iwasan ang pag-iimbak ng tubig na maaaring pamugaran ng lamok at agad na magpakonsulta sa doktor ang sinumang makakaranas ng sintomas nito.