Cauayan City, Isabela- Aabot sa mahigit 1,000 katao ang nakiisa sa pagsusulong ng Revolutionary Government mula sa iba’t ibang bayan sa rehiyon dos.
Ito ay pinangunahan ng MRRD-NECC People’s National Coalition para sa hangaring mabago ang kasalukuyang konstitusyon.
Sa eksklusibong panayam ng iFM Cauayan kay Ret. Col. Miguel Puyao, isa sa mga nanguna sa nasabing aktibidad, iisa lang ang hangarin ng nakararami at ito ay ang pagsusulong tungo sa Pederalismo.
Nakiisa rin ang ilang grupo sa sektor ng transportasyon dahil hangad ng mga ito ang tunay na pagbabago ng gobyerno.
Magugunitang ginawa rin ang kaparehong aktibidad mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Samantala, nagdaos rin ng Candle Lighting kagabi ang grupo upang bigyan ng gabay ay maisakatuparan ang Pederalismo.
Sa huli, umaasa ang nasabing bilang ng grupo na maideklara ang Revolutionary Government.