Manila, Philippines – Umabot sa 1,059 na ang nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine Red Cross (PRC) sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Sa naturang bilang (as of 1am), nasa 434 ang nagpacheck up ng blood pressure dahil sa hypertension.
Nasa 386 naman ang nagtamo ng minor injuries habang 53 ang malubhang nasugatan.
Habang pito ang dinala sa ospital dahil sa tinamong pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan o paninikip ng dibdib at nasa 179 ang nabigyang ng welfare service.
Aabot sa 2,000 ang volunteers ng PRC ang idineploy sa ruta ng traslacion ng Poong Nazareno.
Nananatili rin ang siyam na first aid station sa lugar, 58 ambulance at ang kanilang motor bangka na nasa Pasig River.
Facebook Comments