Target ng pamahalaan na makapamahagi ng 1,552 Patient Transport Vehicles (PTVs) sa bawat local government unit (LGU) sa buong bansa.

Ito’y para masiguro na may maaasahang sasakyan ang bawat LGU para agad na madala ang mga pasyente sa mga pagamutan.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nasa 567 na PTV na ang naipamahagi ng pamahalaan ngayong 2025, habang 985 pa ang target ipamahagi bago matapos ang taon.

Oras na matapos ang distribusyon, magkakaroon na ang 1,493 LGUs sa buong bansa sariling ambulansya, habang may ilan din na mabibigyan ng tig-dalawang unit.

Ang naturang programa ay bahagi ng medical transport vehicle donation program ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na layong palakasin ang access ng bawat Pilipino sa de-kalidad na serbisyong medikal, lalo na sa mga malalayong lugar na kulang sa pasilidad.

Facebook Comments