Mahigit 600 reklamo laban sa mga tiwaling pulis, isinampa ngayong unang quarter pa lamang ng 2025

COURTESY: IAS-PNP/Facebook

Umabot na sa 674 reklamo ang naitala laban sa mga abusadong pulis mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Ayon kay Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) Inspector General Atty. Brigido Dulay, pawang “isolated cases” lamang ang mga ito at hindi sumasalamin sa kabuuang 228,000 na miyembro ng Pambansang Pulisya.

Batay sa datos ng IAS, mayroong 1,897 reklamo laban sa mga pulis noong 2023, at tumaas ito sa 2,073 mga kaso noong 2024.

Paliwanag ni Dulay, ang mga reklamo ay kumakatawan lamang sa 1% ng buong hanay ng Pambansang Pulisya at kanyang iginiit na ang natitirang 99% ay mga matitino, tapat, at maayos na nagsisilbi sa bayan.

Kasunod nito, muling ilulunsad ng IAS ang Integrity Caravan na isang hakbang upang muling buhayin ang kultura ng integridad at propesyonalismo sa hanay ng kapulisan.

Facebook Comments