Cauayan City, Isabela- Inaprubahan na ng LGU Cauayan ang resolusyong layong bigyan ng tulong pinansyal ang mga kwalipiladong tenant sa Primark Cauayan City partikular sa private market.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay City Councilor Edgardo Atienza Jr.,Chairman ng Committee on Trade and Industry, matatandaang sumulat sa tanggapan ni Mayor Bernard Dy ang mga nangungupahan sa Primark Cauayan upang hilingan na tulungan sila sa pagbabayad ng upa ng stall.
Aniya, nasa 1,099 ang kwalipikadong tenants ang natukoy at sumailalim sa validation ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) kung saan sa bawat limang taon ay may binabayarang P16,000 hanggang P25,000 kada stall para sa kanilang joining fee.
Tatanggap naman ng P5,495 ang bawat tenant kung saan naglaan ng P5.5 milyon na pondo ang LGU.
Paalala naman ni Atienza sa mga nangungupahan na tiyaking laging updated ang mga dokumento sa kanilang negosyo.