Higit 100,000 posisyon sa gobyerno, bakante ayon sa CSC

Aabot sa mahigit 100,000 posisyon sa goyberno ang bakante o hindi napupunan.

Suhestisyon ito ni Civil Service Commissioner (CSC) Aileen Lizada kasunod ng usaping rightsizing sa pamahalaan.

Ayon kay Lizada, pwedeng silipin ang mga bakanteng posisyon dahil ilan sa mga ito ay wala pa ring posisyon hanggang sa ngayon at mas mabuting ito na lamang ang buwagin.


Dagdag pa nito, mas mainam ito imbis na maghire pa ng mga empleyadong contract of service at job order upang punan ang mga naiwang bakanteng posisyon sa gobyerno.

Matatandaang pinaliwanag na rin ni Lizada na hindi nangyayari sa magdamag ang rightsizing dahil kailangan pang bumuo ng placement committees ang mga ahensya ng gobyerno upang magbigay ng safety nets para sa empleyado.

Kamakailan ay sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na layong isulong sa Marcos administration ang rightsizing upang magkaroon ng mas episyenteng gobyerno at makatipid ng aabot sa halos 15 bilyong piso na ilalaan sa mga social welfare programs.

Facebook Comments