HIGIT 1,000INDIBIWAL, TUMANGGAP NG BENEPISYO MULA SA DSWD

Mahigit 1,339 indigent citizens mula sa Local Government Units (LGUs) ng Aurora, San Guillermo, Echague at Luna sa lalawigan ng Isabela, ang nabiyayaan sa Risk Resiliency Program-Climate Change Adaptation and Mitigation through Cash-For-Work (RRP-CCAM-CFW) ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2).

Sumailalim ang mga benepisyaryo sa 10-day temporary employment program na may kaugnayan sa mga proyekto at aktibidad sa pag-iwas, rehabiltasyon, paghahanda sa panahon ng mga kalamidad at sakuna ganundin sa climate change.

Kapalit ng kanilang serbisyo at partisipasyon sa nasabing programa, tumanggap ang mga benepisyaryo ng nasa P3,700 halaga bawat isa.

Facebook Comments