Abot sa 111,504 na social pension beneficiaries sa rehiyon ang tinanggal sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pagiging hindi karapat-dapat at records-related concerns.
Ayon kay DSWD-Region 12 Director Cesario Joel Espejo, DSWD-Region 12, ang naturang hakbang ay kaugnay ng isinagawang “cleansing” alinsunod sa kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte sa database ng mga benepisyaryo ng Social Pension Program para sa Indigent Senior Citizens.
SInabi pa ni Dir. Espejo na napag-alaman sa ka nilang validation na may mga benepisyaryo sa rehiyon na doble ang entries sa database.
Ang iba naman ay nadiskubreng hindi karapat-dapat na tumanggap ng social pension dahil tumatanggap sila ng pension mula sa ibang social security agencies dagdag pa ng opisyal.
Anya pa bahagi ito ng kanilang mga pagsisikap na masiguro na ang programa at mapapakinabangan ng mga karapat-dapat at eligible senior citizens o yaong mga mas higit na nangangailangan.
Noong 2018, ang DSWD-12 ay nakapagtala ng 264,358 senior citizens sa buong rehiyon na tumatanggap ng PHP500 monthly social pension.
Subalit nang maisagawa na ang delisting process, ayon sa ahensya ang kabuuang bilang ng beneficiaries sa rehiyon ay bumaba sa 152,854.
Google Pic
Higit 100K na Social Pensioners sa Region 12 , tinanggal na sa listahan!
Facebook Comments