Higit 11,000 pulis, ipapakalat ng NCRPO sa Semana Santa

Mahigit 11,000 mga pulis ang itatalaga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila para sa Semana Santa.

Ayon kay Police Chief Police Major General Guillermo Eleazar, mahigpit nilang babantayan ang mga bus terminal para magbigay seguridad sa mga pasahero.

Bukod rito, magtatalaga rin sila ng mga tauhan sa mga simbahan


Sabi pa ni Eleazar, may mga force multiplier sila tulad ng mga security guard na magbabantay sa mga establisyimento at mga barangay tanod na magpapatrolya sa kanilang lugar.

Facebook Comments