Mga nagkakabit ng tarpaulin na “Welcome to the Philippines: Province of China”, dapat isumbong – MMDA

Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDa ang publiko na ireport sa kanila kapag may nakitang tarpaulin na nagsasabing ‘Welcome to the Philippine Province of China.’

Ayon kay MMDA Commander Colonel Bong Nebrija, may nakita silang ganitong tarpaulin sa footbridge sa Quezon Avenue na agad ring tinanggal ng kanilang tauhan.

Mababatid na hindi ito ang unang pagkakataon na may nakitang kaparehong tarpaulin sa isang footbridge sa Metro Manila.


Una nang nakitaan ng ganitong tarpaulin sa isang footbridge kasabay ng ikalawang anibersaryo sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa arbitration case laban sa China dahil sa usapin hinggil sa West Philippine Sea.

Facebook Comments