Higit 12.8-M Pinoy, fully vaccinated na

Sumampa na sa 12,877,197 ang mga nabigyan ng 2nd dose o ‘yung mga Filipino na fully vaccinated na as of Aug. 18, 2021.

Sa datos na iprinisinta ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque mula sa National COVID-19 Vaccination dashboard, 16,250,043 naman ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna.

Ito ay mula sa 29,127,240 kabuuang doses ng mga bakuna na naiturok na.


Samantala, umaabot naman sa 445, 824 ang average daily jabs ang naitatala.

Kasunod nito, sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon na kampante silang maabot ang target na 50% fully vaccinated sa Metro Manila sa pagtatapos ng buwang kasalukuyan.

Makikipagpulong aniya ang NTF kay Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera upang ma-i-deploy ang mga medical student bilang vaccinators sa mga lugar na nananatiling mataas ang kaso ng COVID-19 upang mas marami pa ang mabakunahan.

Facebook Comments