Umabot sa 12, 386 na manggagawa sa Ilocos Region ang nakatanggap ng kanilang sahod sa ilalim ng TUPAD ng Department of Labor and Employment sa unang quarter ng taon.
Nasa 44 milyon ang pondong inilabas ng DOLE para sa mga naturang benepisyaryo.
Sa nasabing bilang Pangasinan ang may pinakamalaking bilang ng benepisyaryo na nasa 8, 968, sinundan ng Ilocos Norte na may 1, 198, sa Ilocos Sur na may 1,276 at sa La Union na may 944.
Ang TUPAD project ay isang community-based assistance package sa pamamagitan ng emergency employment sa loob ng 10-15 araw para sa natanggal sa trabaho, walang trabaho at seasonal na mga manggagawa. | ifmnews
Facebook Comments