LIBRENG CSC REVIEW ALOK NG PSU BAYAMBANG SA MGA EMPLEYADO NG URBIZTONDO

33
Sumailalim sa memorandum of agreement ang lokal na pamahalaan ng Urbiztondo at Pangasinan State University Bayambang campus.
Nakapaloob sa nasabing kasunduan na ang mamimigay ng libreng civil service commission review ang PSU Bayambang sa mga empleyado ng Urbiztondo na interesadong sumailalim sa CSC Examination.
Magsisimula ngayong araw May 21, 2022 ang nasabing pagrereview na magtatagal sa June 18, simula alas otso hanggang alas singko ng hapon.

Samantala, nabatid ang pasasalamat ng mga empleyado sa alok ng nasabing paaralan. | ifmnews
Facebook Comments