Eastern Mindanao – Aabot sa 13,149 checkpoints ang inilunsad sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Mindanao.
Maliban dito, ayon kay General Gilbert Gapay, deputy commander ng Eastern Mindanao Command – umiiral din ang curfew sa 210 mga munisipalidad at barangay.
Layunin nito aniyang maharang ang posibleng spillover ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.
Kasabay nito ay muli namang tiniyak ni Gapay na hindi naaabuso ang pagpapatupad ng Martial Law.
Samantala, umabot na sa 280 na terorista ang nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Nasa 69 naman ang napatay sa panig ng tropa ng pamahalaan.
Facebook Comments