Cauayan City, Isabela- Mahigit 1,500 na rice farmers mula San Guillermo, Isabela ang makakatanggap ng cash aid na ipapamahagi ng Department of Agriculture (DA) Region 2 na bahagi ng nakolektang P7.6 billion excess tariff mula sa importasyon ng bigas sa nakalipas na dalawang taon na nakasaad sa Rice Tarrification Law.
Sa pamamagitan ng Intervention Monitoring Card na nagsisilbing farmer’s identification card, makakapag-avail ng P5,000 ang magsasaka sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA).
Nagpasalamat naman si Mayor Marilou Sanchez sa P7.8 milyon na halaga ng perang ipinamahagi sa mga magsasaka sa kanilang bayan.
Para higit na mapakinabangan ang pera, sinabi ni Gng. Suzie Bongbonga at Mary Ann Saliba na kanilang gagamitin ang pera para sa susunod na taniman.
Makukuha naman ang nakalaang tulong sa bawat magsasaka sa isang partner remittance ng ahensya katuwang ang Development Bank of the Philippines.
Facebook Comments