GINANG NA MAY SAKIT SA PUSO, TINULUNGAN NG KAPULISAN

May mga pagkakataon talaga na hindi natin inaasahang aatake ang ating karamdaman. Kaya mapalad ang isang ginang nang siya ay biglaang nangailangan ng atensyong medikal ay nakita siya ng tropa ng kapulisan.
Nitong nakaraang Lunes, habang nagpapatrolya ang kapulisan ng Bautista, Pangasinan sa kahabaan ng Bautista National Road bandang alas siyete ng gabi, napansin nila ang ginang sa gilid ng kalsada. Nakahiga ito na tila nahihirapan.
Agad namang nilapitan ng mga pulis ang ginang at napagtantong kailangan itong dalhin sa pagamutan.

Napagalaman na ang nasabing ginang ay may sakit sa puso. Kaya naman laking tulong na nakita siya agad ng mga pulis at isinakay sa kanilang Mobile Patrol at naagapan ang kanyang kondisyon. | ifmnews
Facebook Comments