HIGIT 150MAG-AARAL SA SANTIAGO CITY, NAKIISA SA SELEBRASYON NG TURISMO

Aktibong nakilahok ang tinatayang nasa mahigit 150 na mag-aaral sa lungsod ng Santiago sa isinagawang Filipino Brand of Service Seminar na ginanap sa Robinsons Mall bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Turismo ngayong Setyembre.

Dinaluhan ito ni Provincial Tourism Officer, Dr. Troy Alexander Miano na nagbahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng lungsod ng Santiago.

Hinimok nito ang mga dumalo na patuloy na suportahan ang mga programang pang-turismo at kultura dahil malaki ang ambag nito sa pag-unlad ng isang bayan o Siyudad.

Nagpasalamat naman ang naturang opisyal sa Lokal na Pamahalaan sa pagbibigay halaga sa turismo.

Dagdag dito, tinalakay naman ni Dr. Gretchen Jallorina ng Cagayan State University ang tungkol sa Service Excellence and Filipino Core Values.

Binigyan din nito ng pag-alala ang mga lumahok patungkol sa pusong pinoy na sumasalamin sa pagiging manggagawang Pilipino at kung paano ito naisasabuhay at naisasa-kultura.

Facebook Comments