HIGIT 30 ILAGUEÑOS, PINAGKALOOBAN NG TITULO NG LUPA

20
Ipinasakamay na sa kabuuang 37 na mga mamamayan ng lungsod ng Ilagan ang mga titulo ng lupa sa aktibidad na ginanap nitong Miyerkules, September 21, 2022 sa Piazza Zicarella, Gamu, Isabela.

Ang pagkakaloob ng mga titulo ng lupa ay mula sa programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na Handog Titulo Month: 121st Land Anniversary.

Pinangunahan ni Forester Orly Cariazo, Provincial Environment and Natural Resources Officer Isabela katuwang ang LGU Ilagan sa pangunguna ni Ilagan City Councilor Jayve Diaz.

Dumalo rin sa nabanggit na aktibidad si Ginang Gwendolyn Bambalan, Regional Executive Director ng DENR Region 2.

Layunin ng nasabing programa ng ahensya na tuluyan ng maipagkaloob sa mga mamamayan ang mga lupa at pormal ng mairehistro sa kani-kanilang pangalan.

Facebook Comments