Higit 16K pasahero, stranded sa ilang pantalan ayon sa PCG

Umabot na sa 16,649 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa ilang pantalan sa bansa.

Ayon kay Capt. Armand Balilo, ang nasabing bilang ng pasahero ay mula sa mga port sa Bicol Region, Southern Tagalog, Visayas at Metro Manila kung saan kanila itong naitala kaniang alas-4:00 ng umaga.

Pinakamaraming bilang ng nastranded na pasahero ay sa matnog port sa Sorsogon na nasa 8,321 ang bilang.


Ito ay dahil na din sa bagyong ursula na patuloy na nagdudulot ng pag-ulan sa ilang parte ng Visayas at Southern Luzon kung saan inaasahan na lalakas pa ito mamayang hapon hanggang bukas, araw ng Pasko.

At dahil signal number 2 sa ilang bahagi ng Visayas, pinapayuhan ang maliliit na sasakyang pandagat na huwag ng pumalaot pa dahil posibleng mapahamak sila maging ang kanilang ari-arian.

Sa kabila nito, patuloy ang pagbabantay ng coast guard sa iba pang pantalan sa bansa bilang bahagi na din ng programang oplan biyaheng ayos – Pasko 2019.

Facebook Comments