Higit 170-libong halaga ng shabu, nasabat sa isang buy-bust operation sa Cebu City

Cebu City – Mahigit 170-libong halaga ng shabu ang nasabat sa isang lalaki sa buy-bust operation sa barangay Tisa, Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Michael James Johnson, 32-anyos.

Ikinasa ang operasyon matapos na makatanggap ng ulat ang pulisya tungkol sa pagbebenta ng suspek ng iligal na droga.


Nabatid na umaabot sa 50 hanggang 70 gramo ng shabu ang naibebenta ni Johnson linggo-linggo.

Nakakulong na siya sa Cebu City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments