Tuesday, April 7, 2026

HIGIT 18,000 PILGRIM, NAITALANG BUMISITA SA HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK SA ALAMINOS CITY

Nakapagtala ng kabuuang 18,538 na pilgrims at turista ang Hundred Islands National Park nitong nagdaang Lenten Season, na nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bumibisita sa kilalang destinasyon tuwing panahon ng pananampalataya at bakasyon.

Dahil sa mataas na tourist arrivals, mas pinaghandaan ang pagdagsa ng mga bisita ngayong taon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng regular service boat scheme mula Abril 2 hanggang 5. Layunin nitong maging maayos ang daloy ng mga turista, kung saan ipatutupad ang sistemang first-come, first-served at hindi tatanggap ng reservation.

Sa ilalim ng regular boat scheme, nasa ₱1,600 hanggang ₱2,800 ang singil para sa one-day tour depende sa laki ng bangka, habang umaabot naman sa ₱3,000 hanggang ₱5,500 para sa two-day tour. Ipinatupad ang mga hakbang na ito bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bumibisita, gayundin sa epekto ng tumataas na presyo ng krudo at iba pang gastusin sa operasyon.

Sa kabila ng pagdami ng tourist arrivals, binibigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na sistema at kooperasyon ng publiko upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at positibong karanasan ng bawat bibisita sa mga isla ngayong bakasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments