Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO), batay sa pinakahuling monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), alas 11:00 ng umaga ngayong araw Oktubre 12, 2022, ang mga apektadong pamilya ay mula sa 35 barangays ng anim na bayan na kinabibilangan ng Camalaniugan, Allacapan, Santa Teresita, Pamplona, Buguey at Aparri.
Tatlumpung pamilya o 82 indibidwal naman ang kasalukuyang namamalagi sa iba’t ibang evacuation center sa lalawigan.
Ayon pa sa CPIO, may isa ring mangingisda mula sa Brgy. San Vicente, Sta. Ana ang nawawala matapos pumalaot para mangisda.
Samantala, may isang indibidwal sa bayan ng Buguey naman ang naiulat na nasawi.
Nanatiling namang naka red-alert ang PDRRMO para matiyak ang kaligtasan ng lahat sa bantang pagbaha o maaaring pagguho ng lupa.