NEGOSYANTE, PATAY MATAPOS MAKURYENTE

Nasawi ang isang matandang negosyante matapos makuryente sa kanyang tindahan sa Barangay Tanza, Tuguegarao City, Cagayan nitong araw ng Lunes, Oktubre 10, 2022.

Kinilala ang nasawi na si Felipe, 82-taong gulang, woodcraft maker/furniture shop owner.

Ayon sa ulat PNP Tuguegarao sa pamamagitan ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO), natagpuan ng kapitbahay ng biktima na nakahandusay ito sa kanyang tindahan at wala ng buhay.

Agad naman itong humingi ng saklolo upang masuri ang biktima.

Naisugod pa sa pagamutan ang matanda ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Napag-alamang nakuryente ang biktima dahil may open wire ang electric planer machine tool na ginagamit ng biktima sa kanyang negosyo.

Facebook Comments