Mahigit dalawampung Overseas Filipino Workers (OFW) ang inaasahang darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Dammam, Saudi Arabia.
Ayon sa MIAA Media Affairs Division, ang dalawampu’t walong distressed OFWs ay darating mamayang alas nueve ng umaga sakay ng Philippine Airlines flight PR 683 sa Terminal 1.
Sasalubungin ng OWWA repatriation team ang mga darating na OFW paglapag sa paliparan para alalayan sa customs at immigration documentation formalities.
Mayroon din standby medical team para alalayan ang sino man OFW na mangangailangan ng atensyong medikal.
Pansamantalang munang tutuloy sa OWWA halfway home ang mga OFWs na walang sundo at naninirahan sa malalayong lugar.
Habang inako ng OWWA lahat ng gastusin sa pasahe sa pag-uwi ng mga OFWs sa kanilang mga tahanan o lalawigan.