Pumalo na sa 259 ang naitalang kaso ng Dengue sa lalawigan ng Pangasinan nito lamang Enero ngayong taon.
Ayon sa Department of Health Region 1, Ang naturang bilang, ang pinakamataas sa apat na probinsya sa Ilocos Region, na sinundan ng La Union na may 97 na kaso, 71 sa Ilocos Sur at 43 sa Ilocos Norte.
Dalawa naman ang nasawi, isa sa Pangasinan at isa sa La Union.
Sa isang panayam kay DOH Region 1, Spokesperson Dr. Rheul Bobis, inaasahan pa ang pagtaas nito ngunit hindi pa rin ito itinuturing na epidemic.
Patuloy naman na nanawagan ang awtoridad ukol sa mga best practices para makaiwas sa sakit.
Hinihikayat ang mga residente na agad na magpakonsulta sakaling makaranas ng sintomas ng sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments