HIGIT 200 MSMEs SA LA UNION, NAGTIPON-TIPON

Nagtipon-tipon ang higit 200 Micro Small and Medium Enterprises sa probinsya ng La union sa kauna-unahang KAYA CON Summit.
Ang 2022 Agri-Tourism and Elyupreneurs Startup ay layuning magkaroon ng pag-uusap ang mga MSMEs at makapagpalitan ng mga ideya upang makabangon ang kanilang negosyo.
Ang DTI, DA, DOLE at Landbank ay kabilang sa naturang pagtitipon upang ipaalam sa mga MSMEs ang mga programa na inilaan ng mga nabanggit na ahensya para sa kanila.

Magpapatuloy umano ang suporta ng Provincial Government ng La Union sa mga MSMEs bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon upang maging ang probinsiya ay maging Heart of Agri tourism sa Northern Luzon sa 2025. | ifmnews
Facebook Comments