HIGIT 200 NA MOTORISTA, HULI SA DI PAG SUSUOT NG HELMET

Nasa mahigit dalawang daang motorista ang nahuli ng mga awtoridad na lumabag sa ordinansang “No Helmet, No Ride Policy” matapos maaktuhang walang suot na helmet sa loob ng isang linggong operasyon sa iba’t ibang lugar sa Tuao, Cagayan.

May kabuuang 259 nahuling mga pasaway sa ikinasang OPLAN Tambuli ng kapulisan simula Agosto 6 hanggang Agosto 12, 2022.

Sa naturang panukala, lahat ng indibidwal na nagmamaneho at angkas ng motorsiklo ay kailangan magsuot ng helmet. Ito rin ay may nakatakdang multa na nagkakahalaga ng 100 hanggang 500 piso at maaari ding makasuhan alinsunod sa itinakda ng RA 10054 o ang batas na nagtatakda ng mandatory wearing of Helmet.

Layon ng panukala na maprotektahan ang mga motorcycle riders at back riders at malimitahan ang anumang pinsala ng road accident.

Samantala, hiniling naman ni PMAJ BALISI sa Sangguniang Bayan ng Tuao, na taasan pa ang multa ng mga lumalabag sa nasabing batas para magsilbing deterrent factor para sumunod ang mga motorista.

Pinapaalalahanan din ng mga awtoridad ang mamamayan na ugaliing magsuot ng helmet dahil ang mahuling lumabag dito ay may kaukulang parusa tulad ng pagkakulong at multa.

Facebook Comments