PULIS, PINAGBABARIL SA NUEVA VIZCAYA

106
Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Bambang, Nueva Vizcaya kaninang umaga, Agosto 13, 2022.

Kinilala ang biktima na si PSMS Aldwin Aspacio James, 43 taong gulang, miyembro ng PNP Aritao at residente ng Govt. Center Subd. Baguio City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Bambang, binaril ng riding in tandem na mga suspek ang biktima sa kanyang boarding house sa Brgy. Homestead.

Ang mga suspek ay lulan ng kulay gray na Yamaha NMAX na walang plate number at agad tumakas patungo sa direksyon ng bypass road.

Nagtamo ang pulis ng anim na tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinugod pa ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician.



Patuloy parin ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at matuloy ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments