Umaabot sa 219 na pamilya ang inilikas ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela dahil sa malakas na buhos ng ulan bunsod ng Super Typhoon Karding.
Katumbas ito ng 793 indibidwal kung saan nananatili sila sa 11evacuation center na itinalaga ng Valenzuela local government unit (LGU).
Pinakamaraming inilikas ay sa may bahagi ng Brgy. Marulas na nasa 140 pamilya na kasalukuyang masa Valenzuela National High School.
Nabatid na mula pa kahapon ay sinimulan ng ilikas ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga residenteng nasa mabababang lugar upang maging ligtas sa epektong dulot ng Super Typhoon Karding.
Personal naman binisita ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga evacuees sa Valenzuela National High School upang makita ang kanilang kalagayan at malaman ang kanilang sitwasyon.
Nais rin ng alkalde na masiguro ang kalusugan ng lahat ng mga evacuues lalo na’t may banta pa rin ng COVID-19 kung kaya’t nagtayo sila ng medical area.