American boxer na si Floyd Mayweatrher Jr., nanaig laban sa Japanese mixed martial arts fighter Mikuru Asakura habang nanonood si Pinoy boxing champ Manny Pacquiao

122

Knock out ang Japanese mixed martial arts fighter na si Mikuru Asakura matapos patumbahin ni American boxer na si Floyd Mayweather Jr., sa isang post-retirement exhibition sa Japan.

Ginawa ito ni Mayweather habang nanonood ang dating katunggali at Pinoy boxing champ na si Manny Pacquiao.

Mababatid na nag-retire na si ang American boxer nitong 2017 na may unbeaten 50-0 record.


Ayon kay Mayweather, parang paghinga na sa kaniya ang boxing kaya patuloy itong makikipagharap sa ibang Youtubers at MMA fighter na nais siyang makatunggali.

Wala na rin sa radar niya ngayon si Pacquiao dahil nais niya lamang mag-enjoy at aniya bakit pa siya makikipaglaban sa isang top fighter kung kaya naman niyang kitain sa loob ng three rounds ang pera kaharap ang kahit sinong kalaban.

Facebook Comments