Ito ang ika-apat na bugso ng distribusyon ng cash assistance para sa mga indigent senior citizen sa rehiyon.
Ang mga unang benepisyaryo ng programa na nakatanggap ng cash assistance ay mula sa mga bayan ng Maconacon at Divilacan sa Isabela at Calayan sa Cagayan.
Ang kabuuang 252 benepisyaryo ay tumanggap ng tig P1,500 bawat quarter.
Gagawin naman ngayong linggong ito ang distribusyon para sa mga senior citizen sa Benito Soliven, Palanan, Tumaini, Delfin Albano, Ramon, at Mallig sa Isabela; Piat, Pamplona, Buguey, at Gattaran (Bolos Point) sa Cagayan; at Diffun sa Quirino.
Sa ngayon, may kabuuang 244,431 benepisyaryo na ang tumanggap ng kanilang mga benepisyo sa buong rehiyon.
Ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, na kilala rin bilang Republic Act No. 9994, ay lumikha ng programang Social Pension para sa mga matatandang naghihirap sa Pilipinas. Ang mga kwalipikadong recipient ay binibigyan ng buwanang stipend na P500 para makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at iba pang gastusin sa pagpapagamot.