Ito ang inihayag ni OIC DICT Regional Director Dr. Allan R. Lao sa ginanap na Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran (UP UP) Cagayan Valley.
Ayon sa kanya, may dalawang uri ng internet program kung saan ang mga inilalaan para sa mga tanggapan ng gobyerno at iba naman ay libreng nagagamit ng publiko.
Plano naman ng ahensya na bumili ng bond ring na siya namang ipapamigay sa mga bayan upang maiwasan ang kalimitang problema sa mga internet connection lalo na tuwing may malakas na hangin at ulan dulot ng masamang panahon.
Dagdag pa ni Lao, mahalaga ang pagkakaroon ng libreng internet connection na magagamit ng mamamayan upang malaman ang mga programa ng gobyerno gamit ang social media.
Kabilang rin sa kapakinabangan ng pagkakaroon ng internet connection ang mapadali ang online transaction at maiwasan ang mahabang pila.
Layunin ng programa ang mabigyan ng mas maayos na libreng access sa paggamit ng internet sa mga tanggapan ng gobyerno maging sa mga paaralan, hospital, Rural Health Clinic at mga pasyalan.
*tags: DICT Region 2, *OIC DICT Regional Director Dr. Allan R. Lao, Luzon