Higit 65M mga Pilipino, fully vaccinated na

Umaabot na sa higit 141.2M doses ng anti-COVID-19 vaccines ang naiturok na para sa mga eligible population sa buong bansa.

Base sa national COVID-19 vaccination dashboard, 70.7M o 78.5% ng target population ng mga Pilipino ang nakatanggap ng 1st dose habang nasa 72.81% o 65.5M ang fully vaccinated kasama na ang single dose na Janssen.

Samantala, 11.7M naman ang nabigyan ng booster shot.


Sa hanay naman ng pediatric vaccination, 736,143 na mga batang edad 5-11yrs old ang fully vaccinated habang nasa 8.8M mga batang edad 12-17 years old ang naitalang fully vaccinated.

Facebook Comments