Cauayan City, Isabela- Umabot sa bilang na 245 katao ang nadakip ng Santiago City Police Office (SCPO) sa Lungsod na lumabag sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Col. Warlito Jagto, Chief Community Affairs and Development Unit ng SCPO, karamihan sa mga nahuhuli nila ay mga kabataan na lumabag sa curfew hour habang ang iba ay mga nakainom ng alak.
Mula aniya sa 245 ay siyam (9) sa mga ito ay nasampahan na ng kaukulang kaso.
Ayon pa kay PCol. Jagto, mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga checkpoints at pag-iimplimenta ng curfew hour.
Maging ang mga namamalimos ay dinala na rin sa iisang lugar sa Lungsod at sila’y tinulungan na rin ng CSWD.
Paalala nito sa mga Santiagueños na manatili lamang sa tahanan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.