Umaabot na sa 2,738 magsasaka ang nakapaghain ng kanilang Indemnity Claims sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region 2.
Inihayag ni Louterio Sanchez Jr. Officer-in-Charge for Marketing and Sales Division ng PCIC Region 2, nakipag-ugnayan na sila sa mga magsasaka at mangingisda para sa kanilang mga indemnity claims.
Batay sa datos, marami ng magsasaka ang mula sa Cagayan ang nakapaghain ng kanilang indemnity claims.
Maaaring sa mga susunod na araw ay madadagdagan ang mga naghain ng kanilang indemnity claims dahil kasalukuyang naghahain pa ng claims ang mga naapektuhang magsasaka.
Kaugnay nito, marami ng magsasakang residente ng lalawigan ng Apayao ang nakapaghain na rin ng kanilang indemnity claims.
Hinimok naman ng PCIC ang mga magsasaka na nais magpa-insure na makipag-ugnayan lamang sa Municipal/City Agriculturist Office o sa mismong tanggapan ng ahensya.
Samantala, maaari ding makapaghain ng Indemnity Claims kapag mahigit 10% ng kanilang pananim ang nasira ng kalamidad.