Aabot sa 23,376 ang bilang ng mga pasahero na bumiyahe simula alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-6:00 ng umaga kanina.
Sa nasabing bilang, pinaka-madami ang bumiyahe sa Central Visayas na nasa 6,393.
Sinundan ito ng South Eastern Mindanao na nasa 4,757; Southern tagalog – 4,020; Western Visayas na nasa 2,783 Northern Mindanao – 2,023 at Southern Visayas na nasa 1,490 ang bilang.
Patuloy pa ring nakabantay ang Coast Guard para sa mga pabalik na pasahero kung saan minomonitor nila ito sa pamamagitan ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019.
Samantala, nakarating na sa Davao ang dalawang barko ng Coast Guard na may mga dalang relief goods.
Tinatayang aabot sa 30 tonelada ng mga relief goods tulad ng bigas, sardinas, hygiene kits at iba pa kung saan ngayong araw ay nakatakda itong ipamahagi sa mga nabiktima ng lindol.