Sumampa na sa 24, 498, 753 o 31.76% ng kabuuang target population sa bansa ang nabigyan na ng 2nd dose o mga Filipino na fully vaccinated mula Oktubre 18, 2021.
Sa datos na iprinisenta ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque mula sa National COVID-19 vaccination dashboard 28, 284, 601 naman ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna o 36.67%
Ito ay mula sa 52, 783, 354 kabuuang doses ng mga bakuna na naiturok na.
Samantala, umaabot sa 479, 449 ang average daily jabs ang naitatala.
Sa Metro Manila naman, 9, 077, 651 o 92.85% ng kabuuang target population ang nakatanggap na ng 1st dose habang nasa 7, 897, 782 o 80.78% ang mga fully vaccinated mula sa 16, 975, 433 doses ng bakuna na na-administer kung saan umaabot sa 75,628 ang average daily jabs ang naitatala sa kalakhang Maynila.