Umabot na sa higit 2,500 Internally Displaced Persons (IDPS) ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley o Region 2.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 2,508 individuals na binubuo ng 785 na pamilya ang apektado ng bagyo.
Ang nasabing bilang ay nagmula sa walong munisipalidad at 31 barangay.
Nasa 315 families o 992 individuals ang nananatili sa evacuation centers, habang 443 families o 1,378 individuals ay nanunuluyan sa mga kaanak o kakilala.
Ang DSWD Regional Office 2 ay nakapaghanda ng 26,205 family food packs (FFPs) na nagkakahalaga ng ₱13.347 million.
Facebook Comments