Higit 250,000 mga batang edad 5 hanggang 11, nabakunahan na kontra COVID-19

Umakyat na sa 263, 932 ang bilang ng mga kabataang 5 hanggang 11 taon gulang ang nabakunahan kontra COVID-19 sa nagpapatuloy na Resbakuna Kids program.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na mula sa bilang na ito, walo lamang ang mga nakaranas ng non serious adverse events.

Kabilang na rito ang nakaranas ng pamamantal, pangangati ng lalamunan, nagsuka, at nilalagnat.


Sa kasalukuyan, nasa 55, 000 na aniya ang average daily jabs na nagagawa ng pamahalaan para sa nabanggit na age group.

Kaugnay nito, nagpaalala ang opisyal sa mga Local Government Units (LGUs) kaugnay sa kanilang pediatric vaccination na isaalang -alang na limitado pa rin ang mga bakuna para sa mga batang edad 5-11 taong gulang.

Facebook Comments