Umakyat na sa 3,215 ang bilang ng kaso ng dengue sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, mula January 1 hanggang November 4 taong kasalukuyan ay nakapagtala ang Local Government Unit (LGU) ng kaso ng dengue na mas mababa ng 2.19% o 72 dengue cases kumpara sa parehong panahon noong 2022.
Ang District 1 ang may pinakamaraming kaso na umabot sa 687, habang District 2 naman ang pinakamababa na may 351 na kaso lamang.
Sa ngayon, nasa walong katao na ang namatay na sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Samantala, patuloy naman ang paalala ng pamahalaang lungsod ng Quezon na linisin palagi ang kapaligiran na puwedeng pamahayan ng lamok at magtungo agad sa pinakamalapit na health center o ospital kung may maramdamang sintomas ng dengue.