OFW na dumanas ng severe mental stress sa Israel, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na ng Pilipinas ang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) na nangangailangan ng medical repatriation.

Ang naturang OFW ay dumanas ng severe mental stress sa Israel.

Mismong si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Israel Welfare Officer Dina Ponciano ang naghatid sa Pinay sa airport pauwi ng Pilipinas.


Samantala, pinulong din ng team ng Department of Migrant Workers (DMW) at ni Labor Attache Rodolfo Gabasan, ang Filipino community leaders sa Afula, Israel.

Binigyan din ng team ng psychosocial counselling ang distressed na mga Pinoy sa lugar at hinatiran sila ng kanilang mga pangangailangan.

Facebook Comments