Higit 30 patay sa arson attack sa isang animation studio sa Japan

Aabot na sa 33 katao ang patay habang 35 ang sugatan sa nangyaring arson attack sa kilalang animation studio sa Kyoto City, Japan.

Ayon sa Kyoto Prefectural Police, isang 41-anyos na lalaki ang nagsagawa ng pag-atake, bitbit ang isang bag na naglalaman ng maraming patalim.

Binuhusan ng suspek ng gasolina ang buong studio saka sinilaban.


Nagpapagaling sa ospital ang suspek na nagtamo ng serious burn injuries.

Aabot sa 48 fire engines ang nagtulong-tulong para apulahin ang apoy.

Naging “speechless” si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa nangyari at nagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima.

Facebook Comments