Higit 30 patay sa bus accident sa Congo

142

Umabot sa 31 ang patay matapos maaksidente ang sinasakyang bus sa Democratic Republic of Congo.

Papunta sana ng Kinshasa capital ang bus nang mawalan ito ng preno.


Tumagilid ang bus, at pagka-impact saka ito nagliyab.

Lumalabas na may ilang pasaherong may bitbit na gasolina kaya lumala ang sunog.

Kinansela ni Congolese President Felix Tshisekedi ang biyahe nitong papuntang Japan at ipinag-utos ang imbestigasyon para rito.

Nagpaabot na rin siya ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima at nangakong sasagutin ang pagpapagamot sa mga nasugatan at pagpapalibing sa mga biktima.

Facebook Comments

From Advertisers