Higit 300 milyong pisong shabu, nadiskubre sa Las Piñas City

Manila, Philippines – Nadiskubre ng mga otoridad ang bulto-bultong kilo ng hinihinalang shabu sa isang bodega sa Martinville Subdivision, Las Piñas City.

Sa pag-iinspeksyon kagabi, ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa – tinatayang nasa 72 kilo ng shabu ang nakumpiska na itinago pa sa kahon ng mga isdang tuyo.

Nagkakahalaga aniya ito ng 360 million pesos.


Sinabi ni Dela Rosa – ang mga kontrabando ay galing sa ‘libra group’ na mula pa sa Taiwan.

Modus aniya ng grupo na i-repack ang mga droga at itago sa mga produkto tulad ng tuyo para hindi ma-detect.

Pinahihigpitan na ni Dela Rosa ang pag-iinspeksyon sa mga terminal ng bus na sakop ng Southern Police District dahil sa ulat na nakakarating ng Visayas at Mindanao ang mga droga.

Hindi naman naaresto ng mga otoridad ang nag-mamay-ari ng bodega na target ng nasabing operation.
DZXL558

Facebook Comments