Thursday, March 19, 2026

Higit 300 Pinoy mula Middle East, ligtas nang nakauwi sa bansa; PBBM, hindi nakadalo sa pagsalubong

Ligtas nang nakauwi sa bansa ang 317 na Pilipinong sakay ng ikatlong chartered flight ng pamahalaan mula Dubai, United Arab Emirates.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, kabilang sa mga dumating ang 153 Overseas Filipino Workers (OFWs), 114 nilang pamilya, at 50 stranded Filipino passengers.

Tiniyak ng pamahalaan na naging maayos ang koordinasyon ng mga ahensya para matiyak ang ligtas at maayos na repatriation ng mga Pilipino mula sa gitna ng tensyon sa Middle East.

Gayunman, hindi nakadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa inaasahan sanang sasalubong sa mga repatriates.

Paliwanag ng Palasyo, sunod-sunod ang naging pulong ng pangulo sa Malacañang kasunod ng kaniyang mga aktibidad sa loob at labas ng Metro Manila.

Sa kanilang pagdating, tumanggap ang mga repatriates ng agarang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang financial at welfare assistance, medical support, at psychosocial services.

Facebook Comments