Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang 311 na indibidwal ang nabakunahan ng mga tauhan ng City Health Office sa ginawang ‘Resbakuna Nights’ sa Santiago City.
Hakbang ito ng lokal na pamahalaan sa mga hindi makapagpabakuna kontra COVID-19 dahil hindi makaalis ang ilang empleyado sa kanilang trabaho at ang mga mag-aaral naman na may online class
Ginawa ang nasabing pagbabakuna sa Arcade 2 ng Public Market.
Samantala, umaabot na sa mahigit 78,000 indibidwal ang nabakunahan sa unang dose habang higit 59,000 namang ang fully vaccinated na.
Muli namang hinimok ni City Mayor Joseph Tan ang mga Santiagueño na magpabakuna upang makaiwas sa severe cases ng COVID-19.
Facebook Comments