Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 3,749 healthcare workers ang nabakunahan ng SINOVAC vaccine matapos magsimula ang vaccine roll-out kahapon, Marso 9.
Base sa inilabas na abiso ng DOH Cordillera, nanguna sa may maraming bilang ng nabakunahan ay sa Baguio City na umabot sa 1,499; sinundan ng Mt. Province na 919; Benguet na 406, Ifugao na 340, Abra na 258, Kalinga na 196 habang wala pang nababakunahan sa lalawigan ng Apayao.
Umabot naman sa 7,800 ang kabuuang bakunang inilaan sa mga health workers sa Cordillera region.
Samantala, nasa 1,170 na ang aktibong kaso sa rehiyon at may pinakamaraming bilang sa Baguio City na umabot sa 530.
Paalala pa rin sa publiko ng mga kinauukulan na sundin ang ipinapatupad na health protocol sa pag-iwas ng COVID-19