Umaabot sa 372,878 ang bilang ng mga depektibong balota.
Mula ito sa 64,442,616 na mga na-inimprentang balota para sa 2022 national and local elections.
Ito ang kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia kung saan ang naturang bilang ng mga depektibong balota ay 0.58% ng kabuuang bilang ng mga balota.
Ayon kay Garcia, “subject for reprinting” ang mga balota na ito.
Aniya, tatapusin lamang ang reprinting ng lahat at paglimbag ng iba pang forms saka isasagawa ang pagsira sa mga depektibong balota.
Maglalabas naman ng notice o abiso ang COMELEC kung kailan ito gagawin.
Matatandaan na unang ipinahayag ng COMELEC na ipapakita sa publiko ang mga depektibong balota at saka susunugin ang mga ito.
Facebook Comments